Mga Tuntunin ng Paggamit

Ano ang hindi maaaring i-upload sa mga server ng Postimages.org:

  • Mga imaheng may copyright kung hindi mo pag-aari ang copyright at wala kang lisensiya para gawin ito.
  • Karahasan, hate speech (tulad ng panlalait tungkol sa lahi, kasarian, edad, o relihiyon), o paninindigan laban sa sinumang indibidwal, grupo, o organisasyon.
  • Mga imaheng nagbabanta, nangha-harass, mapanirang-puri, o humihikayat ng karahasan o krimen.
  • Anumang mga imahe na maaaring ilegal sa USA o EU.

Kung hindi ka sigurado kung pinapayagan ang imaheng gusto mong i-upload, huwag mo itong i-upload. Sinusuri ng staff ang mga na-upload na imahe at ang mga imaheng lumalabag sa aming mga tuntunin ay aalisin nang walang paunang babala. Maaaring ma-ban ka rin mula sa aming website.

Hindi pinapayagan ang mga awtomatiko o programmatic na pag-upload. Kung kailangan mo ng imbakan ng imahe para sa iyong app, pakigamit ang Amazon S3 o Google Cloud Storage. Ang mga lumalabag ay maaaring mahanap at ma-ban.

Mangyaring panatilihing nakabalot sa mga link pabalik sa katugmang mga pahinang HTML sa aming site ang mga imaheng naka-embed sa mga third-party website kung maaari. Dapat dalhin ng papalabas na link ang mga user direkta sa aming web page nang walang anumang interstitial na pahina o pag-antala. Ito ay nagbibigay-daan sa iyong mga user na ma-access ang mga imahe sa buong resolusyon at nakatutulong din sa amin na mabayaran ang aming mga gastusin.

Legalese

Sa pag-upload ng isang file o ibang nilalaman o sa paggawa ng komento, inihahayag at ginagarantiyahan mo sa amin na (1) hindi nito nilalabag o sinasalungat ang mga karapatan ng sinumang iba pa; at (2) ikaw ang lumikha ng file o iba pang nilalamang iyong ina-upload, o kung hindi man ay sapat ang iyong mga karapatan sa intelektuwal na ari-arian upang i-upload ang materyal alinsunod sa mga tuntuning ito. Hinggil sa anumang file o nilalamang ina-upload mo sa pampublikong bahagi ng aming site, iginagawad mo sa Postimages ang isang hindi eksklusibo, walang royalty, walang hanggan, hindi mababawi na pandaigdigang lisensiya (na may mga karapatan sa sublicense at assignment) upang gamitin, ipakita online at sa anumang kasalukuyan o hinaharap na media, lumikha ng mga hango, pahintulutan ang pag-download, at/o ipamahagi ang anumang ganoong file o nilalaman, kabilang ang naka-embed (hotlinked) sa mga third-party website na hindi kaanib sa Postimages. Sa sandaling i-delete mo ang anumang ganoong file o nilalaman mula sa pampublikong bahagi ng aming site, ang lisensiyang iginagawad mo sa Postimages alinsunod sa naunang pangungusap ay awtomatikong magtatapos, ngunit hindi ito babawiin tungkol sa anumang file o nilalamang nakopya na at na-sublicense o itinalaga para sa sublicense ng Postimages.

Sa pag-download ng isang imahe o pagkopya ng ibang user-generated content (UGC) mula sa Postimages, sumasang-ayon kang hindi aangkinin ang anumang karapatan dito. Nalalapat ang mga sumusunod na kondisyon:

  • Maaari mong gamitin ang UGC para sa personal, hindi pangkomersiyal na layunin.
  • Maaari mong gamitin ang UGC para sa anumang kwalipikadong fair use sa ilalim ng batas sa copyright, halimbawa, pamahayagan (balita, komentaryo, kritisismo, atbp.), ngunit mangyaring isama ang atribusyon ("Postimages" o "courtesy of Postimages") sa tabi ng kung saan ito ipinapakita.
  • Hindi mo maaaring gamitin ang UGC para sa mga layuning komersiyal na hindi pang-jornalismo, maliban kung ang UGC items na tinutukoy ay ligal na na-upload mo (ibig sabihin ikaw ang may hawak ng copyright), o kung nakakuha ka ng lisensiya mula sa may-ari ng copyright. Ayos lang ang pag-post ng mga larawan ng mga produktong ibinebenta mo; hindi ayos ang pangongopya ng katalogo ng kakumpitensya.
  • Ang paggamit mo ng UGC ay nasa iyong sariling panganib. POSTIMAGES WALANG ANUMANG GARANTIYA NG NON-INFRINGEMENT, at pananagutin mo at poprotektahan ang Postimages mula sa anumang claim ng paglabag sa copyright na nagmumula sa paggamit mo ng UGC.
  • Hindi mo maaaring kopyahin o gamitin ang anumang bahagi ng aming site na hindi UGC maliban sa mga hangganan ng fair use.

Kung may makita ka sa aming site na pinaniniwalaan mong lumalabag sa iyong mga karapatan sa copyright, maaari mong abisuhan ang aming Digital Millennium Copyright Act ("DMCA") agent sa pamamagitan ng pagpapadala ng sumusunod na impormasyon:

  1. Pagkilala sa akdang may copyright o mga akdang sinasabing nilabag. MAHALAGA: dapat ay may rehistradong copyright ka para sa akda, o hindi bababa sa nakapaghain ka na sa Copyright Office (http://www.copyright.gov/eco/) ng aplikasyon para irehistro ang copyright para sa akda. Ang mga DMCA notification batay sa hindi rehistradong mga akda ay hindi wasto.
  2. Pagkilala sa materyal sa aming mga server na sinasabing lumalabag at dapat alisin, kabilang ang URL o ibang impormasyong magpapahintulot sa amin na mahanap ang materyal.
  3. Isang pahayag na naniniwala ka nang may mabuting pananampalataya na ang paggamit ng materyal sa paraang inirereklamo ay hindi awtorisado ng iyo bilang may-ari ng copyright, o ng iyong ahente, o ng batas.
  4. Isang pahayag na ang impormasyong nasa iyong abiso ay tumpak, at sa ilalim ng parusa ng pagsisinungaling, na ikaw ang may-ari (o awtorisadong kumilos sa ngalan ng may-ari) ng eksklusibong karapatang may copyright na sinasabing nilalabag.
  5. Ang iyong pisikal o elektronikong lagda, o ng isang taong awtorisadong kumilos sa ngalan mo.
  6. Mga tagubilin kung paano ka namin mako-contact: mas mainam sa email; isama rin ang iyong address at numero ng telepono.

Dahil ang lahat ng DMCA notification ay dapat nakabatay sa isang akda na ang copyright ay rehistrado sa Copyright Office (o kung saan ay inihain ang rehistrasyon), at dahil mataas ang porsyento ng mga DMCA takedown notice na hindi wasto, bibilisan nito ang aming pagsisiyasat sa iyong DMCA notice kung ilalakip mo rito ang isang kopya ng iyong rehistrasyon sa copyright, o aplikasyon ng rehistrasyon, para sa akda. Ang mga DMCA notice ay dapat ipadala gamit ang angkop na paraan sa seksyong Contacts ng aming site o sa support@postimage.org.

Bagaman nagsisikap kaming gawing maaasahan hangga't maaari ang Postimages, ang mga serbisyo ng Postimages ay ibinibigay na AS IS – WITH ALL FAULTS. Ang paggamit mo sa aming serbisyo ay lubos na nasa iyong sariling panganib. Hindi namin ginagarantiya ang pagkakaroon ng aming serbisyo sa anumang oras, o ang pagiging maaasahan nito kapag ito'y tumatakbo. Hindi namin ginagarantiya ang integridad, o ang patuloy na pagkakaroon, ng mga file sa aming mga server. Kung magba-backup kami, at kung gayon, kung ang pag-restore ng mga backup na iyon ay magagamit sa iyo, ay nasa aming pagpapasya. ITINATATWA NG POSTIMAGES ANG LAHAT NG MGA GARANTIYA, HAYAG AT IPINAHIHIWATIG, KASAMA NGUNIT HINDI NALILIMITAHAN SA IPINAHIHIWATIG NA MGA GARANTIYA NG KAAANGKUPAN AT KALAKALIN. SA KABILA NG ANUMANG IBA PANG NAKASAAD SA MGA TERMING ITO, AT KAHIT NA KUMIKILOS O HINDI KUMIKILOS ANG POSTIMAGES UPANG ALISIN ANG HINDI ANGKOP O MAPAMINSALANG NILALAMAN MULA SA KANYANG SITE, WALANG TUNGKULIN ANG POSTIMAGES NA I-MONITOR ANG ANUMANG NILALAMAN SA KANYANG SITE. HINDI INAANGKIN NG POSTIMAGES ANG PANANAGUTAN PARA SA KATUMPAKAN, KAANGKUPAN, O KAWALANG-PINSALA NG ANUMANG NILALAMANG LUMALABAS SA POSTIMAGES NA HINDI GAWA NG POSTIMAGES, KABILANG NGUNIT HINDI NALILIMITAHAN SA USER CONTENT, ADVERTISING CONTENT, O IBA PA.

Ang tanging lunas mo para sa pagkawala ng anumang serbisyo at/o anumang imahe o iba pang data na maaaring naimbak mo sa serbisyo ng Postimages ay ang itigil ang paggamit sa aming serbisyo. HINDI MANANAGOT ANG POSTIMAGES PARA SA ANUMANG DIREKTA, DI DIREKTA, NAGKAKATAON, ESPESYAL, BUNGA, O PARUSANG DANYOS NA NAGMUMULA SA IYONG PAGGAMIT O KAWALANG-KAYANG GAMITIN ANG MGA SERBISYO NG POSTIMAGES, KAHIT PA NASABIHAN O MAKATWIRANG DAPAT NA ALAM NG POSTIMAGES ANG POSIBILIDAD NG GANOONG MGA DANYOS. WALANG KASONG PANG- AKSYON NA NAGMUMULA SA IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO NG POSTIMAGES ANG MAAARING IHARAP MAHIGIT SA ISANG TAON MATAPOS ITO MAGANAP.

PAGBABAYARAN AT PANGANGALAGAAN MO ANG POSTIMAGES AT LAHAT NG KANIYANG MGA TAUHAN MULA SA LAHAT NG PAGKALUGI, PANANAGUTAN, MGA PAGSASAKDAL, MGA DANYOS AT GASTOS, KABILA ANG MAKATWIRANG BAYAD SA MGA ABOGADO, NA NAGMUMULA SA O KAUGNAY NG IYONG PAGLABAG SA MGA TERMING ITO, IYONG PANGHIHIMASOK SA ANUMANG KARAPATAN NG IKATLONG PARTIDO, AT ANUMANG PINSALANG NAIDULOT SA SINUMANG IKATLONG PARTIDO BUNGA NG IYONG PAG-UPLOAD NG MGA FILE, KOMENTO, O ANUMANG BAGAY SA AMING MGA SERVER.

Ang "Ikaw" ay tumutukoy sa sinumang taong pumayag sa mga tuntuning ito o naging kontraktuwal na nakatali sa mga ito, kung ang nasabing tao ay nakilala o hindi sa oras na iyon. Ang "Postimages" o "kami" ay tumutukoy sa legal na entity na kumokontrol sa proyektong Postimages, ang mga kahalili at assigns nito. Kung may bahagi man ng mga tuntuning ito ang hindi wasto, ang natitirang mga probisyon ay hindi maaapektuhan. Ang Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ang bumubuo sa buong kasunduan sa mga partido na may kaugnayan sa paksang ito, at patuloy na mamamahala sa anumang isyung lalabas mula sa iyong paggamit ng mga serbisyo ng Postimages kahit pagkatapos mong itigil ang paggamit sa mga ito. Maaari naming baguhin ang mga tuntuning ito paminsan-minsan nang walang abiso.